Mga Halamang Gamot

Mga Halamang Gamot Sa Mga Sakit (Medicinal Plants)

Alam n’yo ba na marami sa karaniwang sakit ay nagagamot ng mga halaman?

Malamang na nasa inyo lang paligid o kaya’y laganap sa iba’t ibang panig ng bansa ang kailangan ninyong gamot.

Marami sa ating mga halaman ang bukod sa nakakain ang bunga o dahon at nakapagbibigay sa atin ng kailangang lilim kung panahon ng tag-init ay nagagamit pa ring panlunas sa iba’t ibang karamdaman.

Ang sumusunod na mga halaman ay pawang nagagamit na panlunas sa iba’t ibang karamdaman.


AMPALAYA - Ang ampalaya ay mabuti sa diyabetes, at sa hindi magka-anak, mabuti rin sa mga sakit sa balat. Maraming paraan ng paggagamot ang ampalaya.





Apatot (Noni) - Mabuting panlunas sa arthritis, cancer, low energy, sleeping problems, high blood pressure, anemia, heart disease, kidney problems, sexual and reproductive problems, body pain, including headache, inflammation and more..
(Please read here about my experience in using Apatot or Noni Juice)

BANABA - Panlunas sa mga sakit sa bato. Ilagay ang nalinis na mga dahon nito sa kamukulong tubig at gamiting inumin ang tubig na pinakuluan. Ang puno ng banaba ay mabuting gamot sa sakit na diabetes, sakit sa bato, sakit sa pantog at alta presyon.



BAWANG - Ang dinikdik na bawang ay mabuting pampalambot ng pigsa. Ang katas nito ay mabuting pampurga. Mabuti ring itapal sa rayuma.




BAYABAS - Panghugas sa mga sugat, hiwa o pantal. Ilagay sa kumukulong tubig ang nalinis na mga dahon nito at gawing panghugas sa sugat, hiwa o pantal ang tubig na pinagkuluan. Sinasabing madali itong makapagpapatuyo o makapagpapagaling sa sugat o hiwa.


BUNGA - Kalimitan ito ay ginagamit sa pampaganda sa hardin. Ang prutas nito ay nagsisilbing purga. Kung mura pa ay mabuting laksante. Ang magulang na buto nito ay makabubuti sa may diperensiya sa pag-ihi.

CAIMITO - Ang prutas nito ay gamot sa diyabetes. Nakapagpapaalis din ng bulati.




DAMONG MARIA - Panlunas sa karaniwang sakit ng tiyan. Hugasan nang malinis ang halaman (katawan at dahon) at pakuluan sa tubig. Gamiting inumin ang tubig na pinagkuluan.
Ang damong maria ay siyang ginagawang pampaligo ng mga bagong panganak upang mainitan ang katawan. Mabuti rin itong inumin sa mga sakit ng mataas ang dugo, diyabetes, sikmura. Mahusay din itong gamot sa mga peptic ulcer o sakit sa sikmura, at mga sugat sa bituka.


DUHAT - Panlunas sa malimit na pagdumi, pag-iiti o pagkukurso. Ilagay ang nalinis na balat ng puno ng duhat sa tubig at pakuluan. Inumin habang mainit-init ang pinakuluang-tubig. Ang mga bunga at dahon ng duhat ay mabuti sa sakit na diabetes, ang sakit na taglay ng sobrang asukal sa katawan ng tao. Ang nilagang buto ng duhat ay mahusay na panglanggas sa mga maantak na sugat. Mabuti sa mga sakit sa buto (arthritis), sa sakit sa pantog sa labis na taas sa lagkit na dugo o alta presyon, ang mga balat (bark) ng puno ng duhat.


GUMAMELA - Panlunas sa pigsa. Dikdikin ang buko ng bulaklak nito na may kaunting asin at ihilot o itapal sa namamagang pigsa. Mainam ding gugo ang katas ng dahon nito.




GUYABANO - Ang hilaw na guyabano ay mabuti sa nag-iiti.





KALABASA - Ang balat ng kalabasa pagkatapos na ibilad sa araw ay maaaring pakuluan at siyang gamitin panghugas sa mata ng may sakit. Ang kalabasa na dilaw ay mabuting pagkain at nakatutulong sa kalusugan ng mga mata. Ang buto ng kalabasa ay nagagamit na panghugas sa mga sugat. Ang kalabasa ay mabuti ring gamot sa sakit ng polyo. Mabuti rin sa mga bagong panganak ang gamiting panghugas ang pinakuluang ugat ng kalabasa. Nalilinis nito ang dugong maaaring pagmulan ng mga pamamaga o impeksyon.

KALACHUCHI - Ang nilagang dahon ay ginagawang parang tsaa ay gamot sa hika. Ang pinpit na dahon ay mabuting itapal sa namamaga. Mabuting ilaga para igamot sa sakit ng ngipin, at singaw sa loob ng bibig. Gawing pangmumog. Ang dagta ng Kalachuchi ay gamot din sa sakit na kanser.

KAMANTIGUE - Panlunas sa namamagang mga daliri, lalung-lalo na sa hinlalaki. Dikdikin ang dahon nito nang may kasamang kaunting asin, balutin sa kapirasong malinis na damit, at dahang-dahang ihilot habang kinakatas sa namamagang daliri.




KASOY - Ang pinaglagaan ng balat nito ay mabuti sa diyabetes, nag-iiti, o sakit ng ngipin. Mabuti ring kainin ang prutas para sa diyabetes (hindi kasali ang buto nito)





KATAKA-TAKA - Panlunas sa pamamaga ng pisngi bunga ng sumasakit na ngipin. Dikdikin ang mga dahon nito at kapag inaakalang may katas nang mapipiga ay balutin sa kapirasong damit na malinis at habang marahang kinakatas ay banayad na ihilot sa namamagang pisngi.

KUGON - Ang ugat ng kugon ay ginagamit na pampaligo para sa mga taong may sakit na rayuma. Mabuti rin itong ilaga para inumin ng mga may sakit na diabetes. Sinasariwa nito ang kalamnan ng ating katawan. Mabuti rin itong gamot sa nahihirapang umihi, nagbabalisawsaw, sakit sa bato o maruming pantog.

LAGUNDI - Ang pinulbos na bulaklak nito ay mabuti sa lumulura ng dugo. Ang prutas nito ay mabuti sa sakit ng ulo at ubo. Ang pinaglagaan ng dahon ay mainam na panglanggas ng sugat.



LUYANG DILAW - Ang dahon nito ay mahaba at ang bulaklak ay dilaw na kung minsan ay may bahid na rosas. Ang ugat nito ay dilaw na parang luya. Ang dinkdik na ugat nito ay mabuti sa mga pasa at rayuma.




MABOLO - Panlunas sa malimit na pagdumi o pagkukurso, gayon din sa pag-iiti. Kumain ng maraming bungang hinog nito hanggang hindi tumigil ang mainit na butuan o butuhan.




MAIS - Ang buhok nito ay ginagawang tsaa ay mabuti sa binabalisawsaw. Mabuti rin sa sakit sa bato.






MALUNGGAY - Ang Malunggay ay sagana sa bitamina A. Ang dahon at bunga nito ay masarap igulay. Ito ay nagpapadagdag ng gatas ng inang nagpapasuso. Gamot din ito sa sugat. Lamukusin lamang ang dahon at ipahid o itapal sa sugat. Ito ay nakabubuti rin sa hindi natunawan.

MANSANILYA - Panlunas din sa karaniwang sakit ng tiyan. Pakuluan ang mga nalinis na dahon nito at ang tubig na pinagpakuluan ay gamitin inumin ng maysakit.



MAYANA - Panlunas sa mga galos o bukol bunga ng mga pangkahulog o pagkarapa. Dikdikin ang mga dahon nang may kasamang kaunting asin. Putulin ang katas sa sugat o galos o kaya’y itapal ang dinikdik na dahon sa bukol.



NIYOG - Panlunas sa balakubak. Dikdikin ang ugat nito nang may kasamang balat ng gugo, katasin at gamiting panggugo ang katas. Ang tubig ng niyog ay gamot sa binabalisawsaw.




OREGANO - Ang pinalambot na sariwang dahon ay mabuti sa nasunog, kagat ng alupihan o sakit ng ulo. Ang pinaglagaan ng dahon nito ay mabuti sa masakit ang tiyan at nakakalinis ng balat.


PANDAN - Ang langis nito ay mabuti sa sakit ng ulo, tainga, at rayuma. Ang pinaglagaan ng ugat ay nakaktulong sa gustong makunan. Ang mabangong puno ng pandan ay mabuting inumin para sa tuloy-tuloy at mabuting pagdaloy ng dugo sa katawan ng tao. Ito ay isa ring mabuting tonik o pampasigla sa katawan ng tao.




PAPAYA - Ang laman ng papayang hinog ay mabuti para sa maasidong sikmura dahil sa labis na pag-inom ng kape, mga inuming may karbonate at mga alak. Ang katas ng buto ng papaya ay mabuti para sa mga sugat na galis, eksema, pigsa at bungang araw. Ang butong nilaga para inumin ay mabuti sa mga bukol, sa mga kirot at sakit ng katawan at lalo na sa mga sakit na galing sa mga babae. Ang dahong ng papaya ay mabuting pang-alis ng mga mantsa ng damit. Ginagamit din sa paggawa ng mga gamot na anti-biotics ang ugat ng papaya. Mabuti rin itong panlunas sa dengue fever..  Read more about "Katas ng Papaya, Lunas sa Dengue"


SABILA - Panlunas sa paglulugas ng buhok. Ipahid ang malapot na malagkit na katas ng dahon ito sa anit na naalisan ng buhok. Sinasabing bukod sa nakapagpapatigil ito sa pagkakalugas ng buhok ay nakapagpapatubo pa ng buhok sa anit na pinaglugasan ng buhok. 




SAMPAGUITA - Ang katas ng bulaklak nito ay mabuti sa mata.








SANTAN - Panlunas sa mga sakit ng tiyan at sinasabing lunas din sa mga sakit sa baga o pagkatuyo. Ilagay ang bulaklak nito sa kumukulong tubig at gamiting inumin ng maysakit ang tubig na pinagkuluan.



SIBUYAS
 - Ang sibuyas na halos sa tuwi-tuwina’y ginagamit na sangkap sa ating pagkain ay napatunayan din ng siyensya na ito mabisa sa maraming sakit. Sa isang pagsubok na ginawa sa sibuyas ay may dalawampung klaseng gamot ang lumabas.

Sa mga taong hindi makabili ng mamahaling gamot sa ating botika ito ay magandang balita. Halimbawa: sa kunting halaga ng sibuyas, ay magagamot ang lagnat na dulot ng malaria at iba pang karamdaman. Narito ang ilang gamot na galing sa sibuyas:

1. Pananakit ng lalamunan -> alisan ng balat ang sibuyas. Ang katas nito ay ihalo sa pinakuloang suka na kasingdami rin ng katas ng sibuyas.

2. Gamot sa rayuma -> alisin ng balat ang sariwang sibuyas at ihalo sa kasingdami ring langis ng mustasa. Ito ay mabuting paghaplos.

3. Sakit ng ulo, himatay o pagkalason sa takbo o mga sugat-> katas ng sibuyas ang ihalo sa kasingdami ring langis ng mustasa.

4. Pampalusog-> sa mga bata ay makakapagpalusog ang sibuyas na may kasamang asukal.

5. Pampaalis ng bulate-> ang katas ng sibuyas ay mabisang pampaalis ng bulate at iba pang parasito na nabubuhay sa tiyan.

6. Gamot sa sakit ng tainga-> ang kinudkod na sibuyas ay maaaring linimento sa masakit na tainga.

7. Sa disenteriya-> ang katas ng sibuyas na sinamahan ng gayon ding karaniwang suka ay mabuting gamot sa disenteriya.

8. Sa iskarbi-> ang katas ng sibuyas na pinakulo at may asin ay mabisa sa sakit na iskarbi.


SITSIRIKA - Ang pinaglagaan nito ay gamot sa kanser. Mabuti rin sa sakit ng ngipin at mabuting inumin sa may sakit na diyabetes. Para sa diyabetes, pakuluan lamang ang dahon at bulaklak at inumin katulad ng tsaa.



SORO-SORO - Panlunas sa mga sakit sa tainga, lalung-lalo na sa luga. Hugasan nang malinis ang murang dahon nito, patuyuin, basain ng malinis na langis, painitan sa apoy, dikdikin hanggang malantas, katasin, at ang katas ay patuluin sa sugat sa tainga.



TUBA - Panlunas sa namamagang kamay, daliri, paa, o alin mang bahagi ng katawan dahil sa pagkabali ng buto o pagkapilay. Hugasan nang malinis ang murang dahon nito, basain ang malinis na langis, painitan sa apoy, at kapag lanta na ay itapal o ibalot sa namamagang bahagi.




YERBA BUENA - Ang dinikdik na dahon nito ay mabuti sa mga kagat ng insekto. Ang pinaglagaan ng tuyong halaman ay mabuti sa tiyan. Ang langis na galing sa dahon nito ay nakakapagpalasa ng pagkain.



More information about medicinal plants:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Hi, thanks for stopping by.. Do you have comments? Please leave it here.. Thank you.

Amazing Noni "Apatot" Plant

11.27.2013 "Apatot" is a plant what we call in the Phillipines for Nonu, Nono, or Noni which has become popular for years ago in t...